John 6:15-21

15Alam ni Jesus na balak ng mga taong kunin siya at sapilitang gawing hari. Kaya umalis siya roon at muling umakyat nang mag-isa sa bundok.

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig

(Mat. 14:22-33; Mar. 6:45-52)

16Nang gumagabi na, nagpunta ang mga tagasunod ni Jesus sa tabi ng lawa. 17Madilim na at wala pa rin si Jesus, kaya sumakay na sila sa isang bangka at tumawid papuntang Capernaum. 18At habang tumatawid sila, nagsimulang lumakas ang hangin at lumaki ang mga alon. 19Nang nakasagwan na sila ng mga anim o limang kilometro, nakita nila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa kanilang bangka. At natakot sila. 20Pero sinabi sa kanila ni Jesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot.” 21Kaya pinasakay nila si Jesus sa bangka, at nakarating agad sila sa kanilang pupuntahan.

Copyright information for TglASD